Panaginip
Kapag ikaw ay nanaginip daw ng dumi ang kahulugan daw nito ay pera. Subalit ano ang kahulugan ng panaginip kung sa halip na dumi ay naguumapaw na tubig sa lagayan ng dumi ang iyong nakikita?
Sa aking pagmulat ako daw ay nakaupo o nakahiga sa banyo, hindi ko mabatid. Ang natatandaan ko lang sa sandaling nag-flush ako ng toilet ay bigla na lang nagumapaw ang tubig hanggang sa nagdulot na ito pagbaha sa loob ng banyo at ako'y nawalan ng ulirat.
Sa aking pagmulat ako ay napadpad sa isang malaking kusina, sa isang malaking bahay. Punung-puno ng hugasin ang lababo. Patong patong na mga kaldero, kawa, mga pinggan at kung anu ano pang lagayan ng pagkain. Napakalaki ng kusina at kahit na walang nakabukas na ilaw ay naaaninag ko ang paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa malalaki nitong bintana. Marahil ay alas tres na ng hapon, medyo makulimlim subalit nag-aagawan ang liwanag mula sa araw na siyang tumatama sa dilaw na pintura ng mga dingding sa kusina. Ang aking pakiramdam ay puno ng frustration sa dami ng kalat na nakikita ko sa paligid. May nagsasabi sa isip ko na kakatapos lang ng handaan at napakarami na namang hugasin. Subalit wala akong matandaang handaan na pinuntahan. At bakit sa bahay na ito, mistulang napabayaan na ng ilang taon ang mga hugasing nakakalat sa lababo? Nasaan ba ako?
May pumasok na lalaki sa kusina, nakaitim siyang damit at parang bang nakikilala ko siya.
"Tay, nasaan ba nanay? Ang daming hugasin."
Tumango ang lalaki at patuloy na naglakad papalayo. Sinundan ko siya palabas ng pinto sa gawing kanan ng kusina.
Sa aking pagmulat ako ay napadpad sa bakuran kung saan ilan pang gamit ng bahay ang nakakalat. Sa may pader adjacent sa kusina, mayroong TV na nakapatong sa isang maliit na lamesa. Sa aking pakiramdam, normal lang na naglilinis ako sa lugar na ito habang nanunuod ng palabas. Sino ba ako? Wala naman akong natatandaan na programa na pinapanuod. Galing lng ako sa isang maduming kusina at lumabas sa bakuran na ito. Nasaan ba ako? At ganun pa rin ang aking paligid, bukas ang TV, may kalat na dapat linisin sa bakuran. Sinimulan kong linisin ang mga kalat. Parang napakahabang oras ang lumipas sbalit sa isang iglap malinis na ang bakuran. Nagplaplay pa rin ang TV. Sa aking isip may nagsasabi, malinis na ang paligid, maaari na ko magpahinga, tatawagan ko ang barkada at pupuwede na kami mamalagi dito sa bakuran. Sino ba ako? Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito? Bakit pansamatala gumagaan pakiramdam ko? Bumalik ako sa kusina.
Sa aking pagmulat may isang babae na nakaitim na damit ang sumalubong sa akin. Tila ba kilala ko siya.
"Nay, ang kalat naman dito. Ang daming hugasin. Hindi ba tayo maglilinis?"
Tumango lang sa akin ang babae at nagpatuloy sa paglilinis sa kusina.
"Nay, sa ating ba tong bahay? ang tanong ko sa kniya.
Hindi siya umiimik. Sa aking pakiramdam, naaalala ko nang aking bilhin ang lumang bahay na ito. Sino ba ako? Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito. Nasaan ba ako?
"Nay ang daming nakakalat na mga gamit dito."
Patuloy lang ang babae sa kaniyang ginagawa habang aking pinagmamasdan ang malalaking estante na nakatayo sa kusina na tila ba nagsisilbing divider sa kabilang kuwarto. Mga apat na malalaking aparador ang aking nakikita. Lahat ay may salamin kung saan mahagya mong makikita ang iyong sarili dahil sa dami ng alikabok na bumabalot dito. Subalit hindi ko sinubukang tingnan ang aking repleksiyon. Sa aking pakiramadam, nais ko na malinis agad ang paligid. Hindi ako mapakali na marami akong nakikitang kalat. Sa aking isip naaalala ko na marami kaming naligpit na mga bakal sa bahay na ito. Sino ba ako? Nasaan ba ako? Bakit nararamdaman ko ang mga bagay na ito.
Sa sahig ng kusina marami akong nakitang nagkalat na mga pako at malilit na bakal. Sa aking isip may nagsasabi, bakit nandito pa to? Di ba nakulekta na namin to at ibinenta sa nangangalakal ng bakal?
"Nay, marami pang nagkalat na bakal dito sa bahay, nasaan ba yung lagayan ng mga naipong bakal?"
Subalit hindi sumagot ang babae. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nakita ko siya nag-iigib sa poso sa bandang likuran malapit sa bakod.
"Kinuha na ng mga pinsan mo nung isang araw ang mga bakal." ang sabi ng babae, subalit hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin.
Nasaan ba ako? Muli kong pinagmasdan ang kusina, ang dilaw na pader, ang kisame at ang mga bakas ng tubig na may dalang putik. Maging sa pader ay may maaaninag na disenyo na nabalutan na lamang ng bakas ng tubig baha.
Sinundan ko ang mga nakatayong aparador. Sa likod nito ay mayroon ngang isa pang kuwarto ang tumambad sa akin. Madilim sa loob. Hindi ko maaninag kung ano ang maaaring nilalaman nito. Mula sa kusina, binaybay ko ang pader ng kuwartong ito hanggang sa makarating ako sa may pintuan. Subalit hindi ito pintuan. Isa itong malaking arko. Ang disenyo ay para bang replika ng makukulay na arko na makikita mo sa mga birthday cake ng mga bata. Katulad na katulad ang disenyo nito sa mga nakikita ko na cake nung ako ako ay bata pa. Marahil batang babae ang natutulog dito. Sa loob ay bahagya ko nakita ang mga lumang kurtina na nakasampay sa malalaki nitong bintana. May araw pa sa labas ang sumagi sa aking isip. Nagpasya akong pumasok upang alamin kung kanino ang kuwarto na ito. Kahit na may naaaninag akong liwanag ay dahan dahang nabalot ng dilim ang aking katawan hanggang sa ako'y wala nang makita. Nasaan ang binata? Kanina lang ay naaaninag ko ang liwanag. Sino ba ako? Nasaan ba ako.
Sa aking pagmulat, ako ay nagising sa maingay na tunog ng aking aircon. Isang panaginip? Ang tanong ko sa aking sarili. Sublit parang totoo ang lumang bahay. Nararamdaman ko pa ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Naisip ko na matulog ulit at baka sakiling mabigyan ng sagot ang aking panaginip. Subalit alas dose na ng tanghali at kailangan ko nang bumangon.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment